2024 CA Pagsasalarawan at posisyon sa mga Panukala

Prop 2: Pagpapahintulot ng Bonds para sa mga Pampublikong Paaralan at mga pasilidad ng Community College

OO

Ang $10 bilyon na bond ay magiging pambayad sa pagkukumpuni at upgrade ng mga silid-aralang pampubliko sa CA na kasalukuyang nabubulok, tumutulo o inaamag dahil sa kawalan ng pondo. Ang Proposition 2 ay magtatas ng bahagi ng pondo ng State na napupunta sa mga school district na may mababang halaga ng mga ari-arian (assessed property values) at may mas mataas na bilang mga mag-aaral na hindi pa bihasa sa Ingles, mababa ang kita o mga kabataang nasa foster care. Ang mga paaralang K-12 ay tatanggap ng $8.5 bilyon at $1.5 bilyon ay mapupunta sa mga community colleges.

Prop 4: Pagpapahintulot ng Bonds para sa malinis na maiinom na tubig, pag-iwas sa wildfire, at pagprotekta sa mga komunidad at mga likas na lupain mula sa mga panganib dala ng klima

OO

Ang $10 bilyon na bond ay magiging pambayad sa mga proyektong may kinalaman sa tubig (pagbibigay ng ligtas na tubig inumin, recycle ng maruming tubig, pag-iimbak tubig mula sa lupa, proteksyon mula sa pagtaas ng tubig-dagat, paglikha ng mga parke, proteksyon para mga wildlife at tirahan nila, at pagtugon sa mga pagkakataon ng matinding init.

Prop 6: Nag-aalis sa Probisyon ng Konstitusyon na nagpapahintulot sa hindi piniling pagsisilbi ng mga preso

OO

Ang susog sa konstitusyon na ito ay maghihinto sa pagsisilbi ng mga preso sa state prison. Ang Prop 6 ay isang mahalagang aksyon laban sa napakahabang legasiya ng pang-aapi ng lahi sa ating sistema ng hustisyang kriminal. Susuportahan nito ang rehabilitasyon ng mga nakakulong at isusulong ang California tungo sa isang makatarungan at pantay na lipunan.

Prop 32: Pagtataas ng Minimum na Sahod

OO

Ito ay magtataas ng minimum na sahod sa state mula $15 kada oras tungo sa $18/hr para sa lahat ng empleyado sa California.

Prop 33: Pinapalawak ang Awtoridad ng lokal na pamahalaan na magpatibay ng kontrol sa upa sa mga ari-ariang pang-tahanan

OO

Babawiin nito ang Costa-Hawkins Rental Housing Act (1995) na nakapagpipigil sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng epektibong hakbang sa kontrol ng paupa sa mga single-family na pabahay at mga mas bagong ari-arian. Ang lipas na sa panahon na batas na ito ay nagdudulot ng hindi inaasahan at kadalasang di abot-kayang pagtataas ng upa mula sa mga abusadong landlord at korporasyon.

Prop 34: Paghihigpit sa gastos ng Prescription Drug Revenues ng ilang Health Care Providers

Leai

Ito ay isang take na itinataguyod ng CA Apartment Association sa AIDS Healthcare Foundation. Ang pakay nito ay pigilan ang organisasyon sa pagpondo ng mga hakbang sa pag-kontrol ng upa sa hinaharap.

Prop 35: Pagbibigay ng permanenteng pondo para sa Medi-Cal Health Care Services

OO

Ang inisyatibong ito ay itinataguyod ng health care industry ng California upang makakalap ng higit na pondo para sa Medi-Cal. Ang Prop 35 ay maniniguro na ang mga tumatanggap ng Medi-Cal ay patuloy na makatatanggap ng abot-kayang pangangalaga. Magbibigay ito ng kagyat na pondo para mga pampublikong pagamutan sa buong state, karamihan ay nasa panganib ng pagsasara. Subalit maaaring malagay din nito sa panganib ang mga community health centers at iba pang mapagkakatiwalaang tagapagbigay ng tulong sa kalusugan.

Prop 3: Konstitusyonal na Karapatan sa Kasal

OO

Ang konstitusyonal na susog ay mag-aalis nang lumang lenguahe mula sa Proposition 8 na pinasa noong 2008, na nagsasabing ang kasal ay sa pagitan ng babae at lalaki.

Prop 5: Pagpapahintulot ng lokal na bonds para sa abot-kayang pabahay at imprastrakturang pampubliko sa pamamagitan ng 55% pag-apruba ng mga botante.

OO

Ito ay magbababa ng “supermajority” na kinakailangan mula ⅔ (66.67%) na boto tungo sa 55% para mga lokal na hurisdiksyon na maglabas ng bonds o magpataw ng espesyal na buwis para sa proyekto sa abot-kayang pabahay at imprastrakturang pampubliko. Ang Prop 5 ay isang mahalagang reporma para tugunan ang krisis sa pabahay sa ating State. Bibigyan nito ang mga botante ng higit na kapangyarihan na makalikom ng pera para sa abot-kayang pabahay at pampublikong imprastraktura tulad ng patubig, kalsada at ospital - mga lugar kung saan ang State ay may malaking kakulangan. Ang Prop 5 ay gagawing higit na madali ang pagtatayo ng abot-kayang pabahay na ating kinakailangan at mga pagpapabuti sa ating komunidad.

Prop 36: Pagpapahintulot sa Felony Charges at higit na mataas na sentensiya sa ilang krimen na may kinalaman sa droga at pagnanakaw

Leai

Ang inisyatiba na ay magbabago sa mga kasalukuyang patakaran na nakatuon sa rehabilitation at pagpigil sa krimen. Gagawin nitong higit na kriminal ang pagkagumon sa droga at kahirapan, itataas ang malawakang pagkakakulong, at magbababa ng pondo para sa edukasyon, kalusugang pang-kaisipan at pagpigil sa kawalan ng tirahan. Ang inisyatibang ito na nakatuon sa mga bago at higit na malalang parusa para sa posesyon ng droga. Sa halip na higit na pondo para sa malawakang pagkukulong, kailangan na pagtuunan ng pansin ang mga hamon na pang-kalusugan at pang-ekonomiya na nagtutulak sa mga tao na gumawa ng krimen o bumaling sa paggamit ng droga. Nararamdaman ng ating mga komunidad na sila ay hindi ligtas sa kasalukuyang sitwasyon at ang Prop 36 ay isang hungkag na pangako. Ang Prop 36 ay mahal, mapanira at isang hakbang paatras para sa kaligtasan ng publiko.